PRELATURE OF ISABELA, KINONDENA ANG EDITED PHOTO NINA SEN. RODANTE MARCOLETA AT VP SARA DUTERTE

 



 

Kinondena ng Prelature of Isabela ang kumakalat na edited photo online na nagpapakita kina Sen. Rodante Marcoleta bilang si St. Isabel of Portugal kasama si Vice President Sara Duterte na tila nagdarasal.

 

Ayon kay Basilan Bishop Leo M. Dalmao, ang naturang larawan ay hindi lamang nakakalito sa publiko kundi isa ring malinaw na kawalan ng respeto sa pananampalatayang Katoliko at sa mga sagradong simbolo ng Simbahan.

 

Binigyang-diin ng Obispo na hindi dapat pinapairal ang ganitong uri ng digital manipulation, dahil nagdudulot ito ng maling impormasyon at paglabag sa dignidad ng mga relihiyosong imahe. Nanawagan din siya sa publiko na pairalin ang katotohanan at ethical communication sa online communities.

 

Samantala, ang naturang edited photo ay unang ibinahagi ng Facebook page na “Balita at Kaalaman,” na agad namang nakapukaw-pansin at umani ng reaksiyon mula sa netizens.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog