'CHEATING INCIDENT' NG ISANG LALAKI, NABISTO DAHIL SA BRIGHTNESS NG KANIYANG CELLPHONE

 


Bistado ang isang ‘cheater’ matapos ma-side eye ng katabi nitong pasahero ang mensahe sa kaniyang cellphone.

Sa isang post, ibinahagi ng hindi nagpakilalang uploader ang nasaksihan nitong ‘cheating incident’ sa loob ng isang pampasaherong bus.

‘Nung una ay inakala ng uploader na karelasyon mismo ng lalaking katabi nito ang ka-chat sa kaniyang cellphone.

Ngunit, nang kaniya umanong mabasa ang mensahe ay nagtaka ito dahil sa mensaheng ipinadala ng lalaki.

“Mahal otw na po ako kina tita po. Bus na ako otw Cavite,” mensahe ng lalaki, kalakip ang selfie nito sa loob ng bus.

Ayon sa uploader, patungong Bulacan ang bus na sinasakyan nila, hindi Cavite dahilan na kinutuban na ang uploader.

Nang sa muling pinagana ng uploader ang ‘side eye’ nito ay dito na napatunayan ang kaniyang kutob nang magbukas ng isa pang messenger app ang lalaki at nagpadala ng mensahe sa ibang babae: “Bus na po aq. See u po, labs q,” kasabay ulit ng panibagong selfie mula sa parehong bus ride.

Dahil dito, napagtanto niya ang panloloko ng lalaking katabi sa dalawang babae. Sa halip na ipagsawalang-bahala ay napagkita ito ng concern at pinadalhan ng mensahe ang dalawang babae at ibinahagi ang nalaman, sabay babala na tila pareho silang naloloko ng iisang lalaki.

"Tengene n'yo mga cheater. Magchi-cheat na nga lang kayo, tinataasan nyo pa brightness ng phone nyo," ani ng uploader.

Sa panibagong update, napag-alamang nakipaghiwalay si "Boss Ko" sa kaniyang boyfriend na matagal na rin pala niyang pinaghihinalaang nagchi-cheat sa kaniya. Nag-sorry naman ang uploader sa babae dahil sa "panghihinasok" niya. Pero sa kabaligtaran, nagpasalamat pa raw ang nabanggit na girlfriend sa uploader.

Ang pangalawang babae naman na si "Labs Ko" ay nagalit pa raw sa uploader dahil sa pangingialam nito.

Galit na galit naman daw sa uploader ang lalaki at sinabing sana raw, matokhang siya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Not all heroes wear capes. Sometimes naka cap, sunglasses and mask sila."

"cheater galit talaga mga yan kapag nahuhuli. pero never yan magagalit s katarantaduhan nilang gnagawa."

"To the 2nd girl, 100% mangyayari rin yan sayo. Balang araw hindi ka mapapakali at mababaliw ka kakaisip kung niloloko ka rin ba o may umaaligid ba o may nag pupursue na bang iba. Mapapa-taste your own medicine ka talaga."

"You did a good job mhie!"

"Good job.. you did the right thing."

"Hahahaha buti nga..."

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog