PANGAKONG BAHAY PARA KAY KUYA HESUS, TUTUPARIN NI IVANA ALAWI




Handang tulungan ni Ivana Alawina magkaroon ng sariling bahay ang lolo na limang taon nang palaboy matapos manakaw ang gamit sa trabaho.

Sa isang social experiment na ginawa ng artista at vlogger na si Ivana Alawi, nagpanggap siya bilang pulubi at buntis upang makita at matulungan ang mga taong may mabubuting kalooban.


Hindi inaasahan, lumapit sa kanya ang isang lolo at nag-abot pa ng sampung piso para may pambili siya ng pagkain.

Umantig naman ang puso ni Ivana at ng mga netizen—dahil kung sino pa ang walang-wala, siya pa ang handang tumulong kahit sa maliit na paraan. Doon na tinanong ni Ivana ang kwento ng buhay ng matanda.

Siya si Hesus Paraboles, 59 anyos, tubong Bicol. Nagtrabaho siya sa Maynila bilang mason ngunit nawala ang kanyang mga gamit matapos manakaw, dahilan para hindi na siya makapagtrabaho.

Dahil dito, napilitan siyang gumala sa lansangan at doon na rin natutulog kung saan abutin ng gabi.

Labis itong ikinalungkot ni Ivana. Kaya naman nangako siya na tutulungan si tatay Hesus na magkaroon ng sariling bahay upang hindi na matulog sa kalye. Napansin din niya na tila may problema sa pag-iisip ang lolo, kaya siniguro rin niyang ipapatingin ito sa espesyalista.

Bukod dito, nangako si Ivana na hahanapin ang mga kamag-anak ni tatay Hesus upang may makasama siya—lalo na ngayong papalapit na ang Pasko.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog