Arestado ang
isang lalaking guro matapos umano nitong pinilit na pakainin ng ipis ang isang
estudyante sa loob ng eskwelahan sa Tondo, Manila.
Ayon sa ulat,
sinilbihan ng arrest warrant ang isang 52-anyos na public school teacher dahil
sa reklamong pang-aabuso at pagpilit sa 12-anyos na babaeng estudyante na
kumain ng ipis.
Sinasabing
nangyari ang insidente noon pang October 15 kung saan nasaksihan ng biktima ang
pagmomolestya ng naturang guro sa isa pang babaeng estudyante sa loob ng CR ng
paaralan.
Dahil sa takot,
mabilis na tumakbo papalayo ang saksi upang i-report ang insidente ngunit nahabol
siya ng nasabing guro at dinala pabalik sa CR.
Dito na umano
sinaktan ng guro ang estudyante at pilit pinakain ng ipis.
Pinagbantaan
din siya ng guro kung sakaling malaman ng iba ang insidente.
Nagdulot naman
ng takot at pagkabahala sa biktima ang karanasan hanggang sa napagdesisyunan
nitong isumbong ang insidente sa kaniyang mga magulang.
Sinampahan ng
kasong Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and
Discrimination Act ang guro at napasama sa listahan ng three most wanted ng
Delpan Police Station.
Pansamantalang
kinulong ang guro subalit nakalaya din kalaunan ng magbayad ng pyansang aabot
sa P120,000.
Samantala,
iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang school administration sa posibleng
kapabayaan. Kapag napatunayan ay tuluyan nang aalisin ang lisensya ng nasabing
guro at hindi na muling makakapagturo pa.
0 Comments