LUXURY RICE NG JAPAN, UMABOT SA P6,000 KADA KILO


 

Kinilala ng Guinness World Records ang Kinmemai Premium rice bilang “world’s most expensive rice” matapos itong maibenta sa presyong US$109 o humigit-kumulang P6,103.56 kada kilo.

 

Itinuturing din itong isa sa pinakamasarap na bigas sa mundo dahil sa maselang proseso ng produksiyon at mahigpit na pagpili ng mga butil.

 

Ang naturang bigas ay ginagawa ng Toyo Rice Corporation sa Japan at binuo mula sa limang award-winning rice varieties ng bansa.

 

Bukod sa mataas na kalidad, napatunayang may superior nutritional value ang Kinmemai Premium rice. Taglay nito ang anim na beses na mas mataas na LipoPolysaccharides (LPS) kumpara sa karaniwang white rice, 1.8 beses na mas maraming fiber, at pitong beses na mas mataas na Vitamin B1.

 

Dahil sa natatanging lasa, kalidad, at sustansiya, itinuturing ang Kinmemai Premium rice bilang isang premium at luxury food product sa pandaigdigang merkado.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog