LALAKING CHINESE, TINUBUAN NG ILONG SA NOO?

 


Kumalat sa social media ang imahe ng isang lalaking Chinese na may tumutubong ilong sa kaniyang noo.

 

Ayon sa mga ulat, ang 22-anyos na si Xiaolian ay sumailalim sa medikal na gamutan sa isang ospital sa Fuzhou, probinsya ng Fujian, upang mapalitan ang kaniyang ilong na naapektuhan ng matinding impeksiyon dulot ng isang car accident noong nakaraang taon.

 

Napag-alaman na hindi agad nagpagamot si Xiaolian matapos ang insidente, dahilan upang patuloy na lumala ang impeksiyon. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nasira at nabulok ang kartilago ng kaniyang ilong.

 

Nang magdesisyon itong magpatingin sa mga doktor, ipinaliwanag ng mga ito na hindi na maaaring ayusin ang nasirang bahagi dahil sa lawak ng pinsala.

 

Bilang tanging solusyon, nagpasya ang mga doktor na magpatubo ng bagong ilong sa noo ni Xiaolian gamit ang skin tissue expander. Hinubog ang balat sa anyo ng ilong at nilagyan ng kartilagong kinuha mula sa kaniyang mga tadyang.

 

Ayon sa mga surgeon, maayos ang kondisyon ng nabubuong ilong at inaasahang maisasagawa na sa lalong madaling panahon ang transplant surgery.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog