Patay ang
isang high-ranking leader at bomb expert na si Dawlah Islamiyah-Hassan Group
(DI-HG) sa isang operasyon ng mga militar sa Barangay Satan, Shariff AGuak,
Maguindanao del Sur nitong Linggo, December 7.
Ayon kay 601st
Infantry Brigade commander, Brigadier General Edgar Catu, nakilala ang namatay
na terorista na si Ustads Mohammad Usman Solaiman at ang kapatid ng pumanaw na
teroristang si Ustadz Kamaro Usman, isang miyembro ng DI-HG na namatay noong Marso
2020.
Si Solaiman
ay kilalang expert sa paggawa ng bomba at siya rin ang pamangkin ng isa pang
kilalang terorista na umano’y gumagawa ng mga bomba para sa Special Operations
Group of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nauugnay sa Abu
Sayyaf at mga grupo ng Jemaah Islamiya.
Dagdag pa
rito, ang grupo rin ni Solaiman ang siyang responsable sa ilang terror attacks
sa Mindanao kabilang na ang pagpapasabog sa mga bus sa Parang, Maguindanao
noong April 2022, twin bus bombings sa Koronadal City at Tacurong City noong May
26, 2022; at isa pang bus attack sa Barangay New Isabela, Tacurong City noong
November 6, 2022.
Dahil dito,
patuloy ang isinasagawang hakbang ng mga awtoridad upang masugpo ang iba pang
miyembro ng mga terorista.

0 Comments