ELIZALDY CO, IBINULGAR ANG UMANO’Y PAPEL NI ESCUDERO SA DEPED AT PHILHEALTH BUDGET CUTS

 



 

Inilantad ni dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na sangkot umano si Senator Chiz Escudero sa pagbabawas ng pondo para sa ilang ahensya ng gobyerno sa 2025 General Appropriations Bill (GAB).

 

Batay sa isang pitong-pahinang confidential letter na ipinadala ni Co kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Pebrero 2025, iginiit ng dating kongresista na si Escudero ang nasa likod ng bilyon-bilyong pisong pagbabawas sa budget ng Department of Education (DepEd), PhilHealth, at Department of Agriculture (DA).

 

Ayon kay Co, nag-cut umano si Escudero ng ₱10 bilyon mula sa computerization program ng DepEd, pati na rin ng ₱1.692 bilyon na nakalaan sana para sa paglikha ng mga bagong teaching positions.

 

Idinagdag pa niya na si Escudero rin ang nagmungkahi ng pagtanggal sa ₱74-bilyong subsidy para sa PhilHealth.

 

Sa parehong liham, binanggit din ni Co na kinaltasan ni Escudero ang kalahati ng ₱27.8-bilyong pondo para sa mga flagship project ng administrasyon. Gayunpaman, aniya, ang sisi ay ibinabaling pa rin sa House of Representatives.

 

Ipinadala ni Co ang naturang sulat sa Pangulo upang linawin ang mga walang basehang paratang na ibinabato sa Mababang Kapulungan kaugnay ng kontrobersyal na budget cuts.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog