13TH MONTH PAY DAPAT IBIGAY BAGO ANG DISYEMBRE 24- DOLE AKLAN



Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan ang mga employer na ibigay ang 13th month pay ng mga empleyado bago sumapit ang Disyembre 24.
Sa panayam kay Mr Michael Gison ng DOLE-Aklan, nabatid na nakasaad sa inilabas na labor advisory number 16 ang tamang computation ng matatanggap na 13th month pay ng bawat empleyado, anuman ang kanilang employment status at kahit isang buwan pa lamang itong nagtatrabaho.
Posible rin aniyang makaapekto ang absences ng mga empleyado sa computation ng naturang bayad, rason na may mga pagkakataong hindi buo ang 13th month pay na kanilang natatanggap.
Pinayuhan din nito ang mga empleyado na makipag-ugnayan sa kanilang mga employer dahil mayroon aniyang mga kumpanya na isinasama sa total wage ang 13th month o ‘di naman kaya ay hinahati ang pagbibigay nito.
Samantala nilinaw din ni Gison na magkaiba ang 13th month pay at bonus na additional lamang at hindi obligado ang mga employer sa pagbibigay nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog