Nagulantang ang buong Northern Mali sa trahedyang sinapit ng isang kilalang content creator na si Mariam Cisse, matapos siyang dukutin at mapatay ng mga hinihinalang jihadists sa lungsod ng Tonka.
Ayon sa mga ulat, nagla-live sa TikTok si Cisse nang sapilitan siyang dukutin ng mga armadong kalalakihan. Makalipas ang isang araw, ibinalik siya sakay ng isang motorsiklo, ngunit binaril ito hanggang sa mamatay sa Independence Square ng Tonka, sa harap ng kanyang pamilya at daan-daang mga nanonood.
Batay sa pahayag ng kanyang kapatid, inakusahan si Cisse ng mga armadong lalaki na nakikipagsabwatan sa Malian army, sa pamamagitan umano ng pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kanilang galaw.
Sa isa sa mga video ni Cisse, makikita siyang nakasuot ng military fatigues na may caption na “Vive Mali” (“Mabuhay ang Mali”). Ayon sa mga ulat, layunin lamang ni Cisse na i-promote ang kanilang komunidad at hikayatin ang Malian army sa misyon nitong protektahan ang mga mamamayan at ang kanilang lugar.
Si Mariam
Cisse, na may halos 100,000 followers sa TikTok, ay kilala sa paggawa ng mga
video tungkol sa Tonka City at sa kulturang lokal ng kanilang rehiyon.

0 Comments