Umani ng
papuri mula sa mga netizens ang isang cameraman ng News5 na si Ortiz, matapos
niyang ipakita ang tapang at dedikasyon sa gitna ng paghagupit ng Bagyong Uwan
sa Albay.
Si Ortiz, na
karaniwang nasa likod ng kamera at walang karanasan sa pagre-report, ay biglang
naharap sa isang hindi inaasahang sitwasyon nang siya ay italagang mag-live
report mula sa Legazpi, Albay.
Habang hawak
ang pulang mikropono ng News5, nagsimula siyang mag-ulat nang may halatang
kaba. Sa tulong ng beteranong mamamahayag na si Ed Lingao, na nagbigay sa kanya
ng payong “Kuwento mo, para lang tayong nag-iinuman,” matagumpay niyang nairaos
ang kanyang unang live report.
Bagama’t
kapansin-pansin ang tensyon sa kanyang boses, umani pa rin ng paghanga si Ortiz
mula sa mga manonood dahil sa kanyang sinseridad at determinasyon na
maiparating ang sitwasyon ng mga taga-Albay sa gitna ng matinding ulan at
hangin.
“Ramdam ko
ang kaba ni bok, pero saludo!” komento ng isang viewer.
“Kudos to
this cameraman, very informative and detailed delivery of news. Not bad for a
first-timer!” ayon naman sa isa pa.
“Cameraman???
Pinag-on-the-spot reporting??? First time??? Astig!” dagdag ng isang netizen.
Sa kabila ng
pagiging baguhan sa harap ng kamera, napatunayan ni Ortiz na ang tunay na diwa
ng pamamahayag ay ang katapatan at tapang sa paghahatid ng balita—lalo na sa
oras ng sakuna.

0 Comments