POLICE CAPTAIN NG CALOOCAN CITY POLICE STATION, NANGHOLDAP-PATAY


 


 

Patay sa engkwentro ang isang pulis matapos umano itong mangholdap sa isang convenience store sa bayan ng Marilao, Bulacan.

 

Batay sa ulat, pumasok sa naturang tindahan ang isang ranking officer mula sa Caloocan City Police Station at nagpanggap bilang customer. Ilang sandali pa, bumunot ito ng baril at nagdeklara ng holdap.

 

Natangay ng suspek ang humigit-kumulang ₱200,000 na kita ng tindahan bago mabilis na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

 

Agad namang naglunsad ng hot pursuit operation ang Marilao Municipal Police Station at natunton ang ginamit na motorsiklo ng suspek. Nang tangkain siyang pahintuin ng mga awtoridad, nagpaputok ito ng baril, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis.

 

Tinamaan ang suspek at agad na dinala sa ospital ngunit idinineklarang dead on arrival.

 

Kinilala ang nasawing suspek bilang isang Police Captain na nakatalaga sa Caloocan City Police Station at residente ng Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan.

 

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang motibo at iba pang detalye kaugnay ng insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog