Naglabas ng
matinding babala ang Star Magic matapos makatanggap ng banta sa buhay ang
aktres na Kim Chiu mula sa isang social media user. Ayon sa pahayag ng talent
agency nitong Linggo, hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng paninira,
pagbabanta, o personal na pag-atake laban sa kanilang mga artista, at nakahanda
silang magsampa ng legal na aksyon laban sa may kagagawan nito.
Sa opisyal na
pahayag, ibinahagi rin ng Star Magic ang screenshot ng komento ng user na may
pangalang @carlanthony0222, kung saan mababasa ang mga mapanirang salita at
direktang pagbabanta:
"Give me
an address p**sy," at "You want to die like a flooding happening
p**** i** mo give me your address para mabaril kita."*
Patuloy
ngayong binabatikos online si Kim Chiu matapos ang kanyang mga pahayag tungkol
sa umano’y katiwalian sa mga flood control projects sa bansa. Ginamit ng aktres
ang kanyang social media platform upang tuligsain ang mga tiwaling opisyal,
kasabay ng naganap na malawakang protesta sa Luneta Park at Quezon City.
Sa kanyang
Instagram post, ipinahayag ni Chiu ang pagkadismaya sa umanoy pang-aabuso sa
kaban ng bayan:
“Tayo, mga
ordinaryong Pilipino, walang palya sa pagbabayad ng buwis… Sila naman—walang
takot na pinagbabakasyon ang konsensya at nagagawang gawing kalakaran ang kaban
ng bayan.”
“Hindi lang
pera ang ninanakaw ninyo—ninakaw ninyo ang pag-asa… ang kinabukasan ng
kabataan, ang ginhawa ng mahihirap, at ang pananampalataya ng taong-bayan,”
dagdag pa niya.
Muling
nagbigay ng panawagan ang aktres kasunod ng panibagong kalamidad na tumama sa
bansa.
“Tahimik lang
silang nakatayo… pero patuloy silang nagbibigay ng buhay. Sana ganun din ang
gawin ng mga nasa itaas. Sana marinig nila ang sigaw ng kalikasan bago pa man
mahuli ang lahat,” aniya.
Nagpapatuloy
ang imbestigasyon kaugnay ng online death threat, at iginiit ng Star Magic na
kanilang ipaglalaban ang kaligtasan at reputasyon ng kanilang mga artista.

0 Comments