SIKAT NA TIKTOKER, BINARIL-PATAY



[TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT]

Patay ang isang 21-anyos na TikToker na si Maurice Harrison matapos itong barilin sa loob ng isang sasakyan sa Lauderdale Lakes, Florida.
Nakilala si Harrison sa TikTok, kung saan mayroon siyang higit 235,000 followers dahil sa kaniyang kakaibang hairstyles na nagbigay sa kaniya ng bansag na “wigfluencer.”
Ayon sa ulat, nagkaroon muna ng pag-aalitan si Harrison at ang kaniyang nobyo na si Shanoyd Whyte Jr. bago naganap ang insidente.
Humingi naman ng tulong si Whyte sa mga awtoridad, at doon natagpuan ng mga pulis si Harrison na walang buhay at duguan sa loob ng sasakyan.
Isinugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.
Kaugnay nito, inaresto si Whyte at nahaharap sa kasong first-degree murder, na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, lumalabas sa imbestigasyon na ang dalawa ay halos pitong taon nang magkasintahan at nagkaroon ng isang “tumultuous, toxic relationship.”

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog