BINI, HUMAKOT NG PARANGAL SA 38TH AWIT AWARDS



Umangat ang Pinoy girl group na BINI matapos mag-uwi ng maraming karangalan sa 38th Awit Awards na ginanap sa Meralco Theater sa Pasig City nitong Linggo.

Nasungkit ng grupo ang People’s Voice Favorite Group Artist, habang ang kanilang album na “Talaarawan” ay tinanghal na People’s Voice Favorite Album of the Year. Nagwagi rin sila ng Best Dance/Electronic Recording para sa kanilang hit song na “Salamin, Salamin.”

Hindi rin nagpahuli ang kanilang fandom na Blooms, na pinarangalan bilang Vibe Stan Award recipient.

Ang 38th Awit Awards ay taunang selebrasyon na nagbibigay-pugay sa kahusayan ng Original Pinoy Music (OPM), at nagsisilbing pagtitipon ng mga natatanging Filipino music artists.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog