50 ESTUDYANTE NAKATAKAS; HIGIT 250 NANATILING BIHAG SA MASS KIDNAPPING SA NIGERIA


 

Nakatakas ang 50 mga estudyante ng Nigerian Catholic school mula sa mahigit 300 bilang ng mga nadukot nitong nakaraang linggo.

Habang, humigit-kumulang 253 na bata at 12 guro at kawani ang nananatili pa rin sa kamay ng mga kidnappers.

Ayon sa mga opisyal ng simbahan, tumakas ang mga estudyante noong Biyernes at Sabado, dahilan para dagsain ng mga nag-aalalang magulang ang St. Mary’s School sa Niger state.

Iniutos naman ni Pangulong Bola Tinubu ang pagdagdag ng 30,000 pulis at ang muling pagtutok ng pulisya sa pangunahing tungkulin nito, lalo na sa mga lugar na madaling atakihin.

Samantala, nanawagan si Pope Leo para sa agarang pagpapalaya sa lahat ng biktima.

Sa hiwalay na insidente, 38 katao ang nailigtas mula sa isa pang pagdukot sa Kwara state, kung saan dalawa ang nasawi.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog