DENR, IPINAHINTO ANG MONTERRAZAS CONSTRUCTION DAHIL SA ENVIRONMENTAL VIOLATIONS

 



Nag-isyu ng ‘immediate suspension’ ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lahat ng gawaing konstruksyon sa Monterrazas development sa Cebu.

Ayon sa DENR, may mga nakitang paglabag sa batas pangkalikasan ang proyekto kaya’t isasailalim ito sa imbestigasyon.

 

Batay sa ulat, kabilang sa mga paglabag ang umano’y pagputol ng 734 puno sa loob ng 140 ektaryang lupain, ngunit 11 lamang ang naitala sa dokumentasyon.

Nabatid din na 10 sa 33 kondisyon sa amended Environmental Compliance Certificate (ECC) na ibinigay sa developers ang hindi nasunod. Dahil dito, naglabas ang Environmental Management Bureau (EMB) ng violation at stoppage order laban sa proyekto.

 

Dahil sa hindi pagsunod sa ECC, maaari itong maharap sa multa sa ilalim ng Presidential Decree 1586 o Environmental Impact Statement System, kabilang na ang ₱50,000 na penalidad sa bawat paglabag.

Nakita rin umano ang kakulangan ng discharge permits na kailangan sa ilalim ng Clean Water Act.

 

Samantala, ang Monterrazas project na konektado kay Slater Young ay nakatanggap ng batikos online matapos ang malawakang pagbaha sa Cebu kasunod ng pananalasa ng bagyong Tino.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog