Pinuna ng mga netizen ang isang babae sa Ilocos Norte dahil sa umano’y “unhygienic” na paghawak nito sa mga pagkain sa loob ng isang convenience store.
Sa video na ini-upload mismo ng babae sa kaniyang social media account, makikitang kinukuha at hinahawakan niya ang siopao nang hindi gumagamit ng tongs, bagay na agad na ikinadismaya ng maraming netizens.
Marami ang
nagkomento na ang ginawa ng babae ay “plain disrespectful,” lalo’t inaasahan
ang tamang paghawak sa mga pagkain upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan
ang kontaminasyon.


0 Comments