Hinatulan ng
14 na taon pagkakakulong si dating Peruvian President Martin Vizcarra matapos
mapatunayang tumanggap ng suhol bago pa man maging pangulo.
Ayon sa
naging hatol ng korte sa Peru, napatunayang tumanggap si Vizcarra ng
humigit-kumulang $676,000 na suhol mula sa mga construction firm kapalit ng mga
kontrata sa imprastraktura noong siya ay gobernador ng Moquegua mula 2011
hanggang 2014.
Mariin naman niyang
itinanggi ang mga paratang at iginiit na siya ay biktima ng political
persecution. Naging pangulo siya noong 2018 matapos magbitiw ang kanyang
sinundan, ngunit napaalis din noong 2020 dahil sa mga imbestigasyon sa korapsyon.
Noong 2021,
nanguna si Vizcarra sa mga nanalong congressional candidates ngunit
pinagbawalan siyang humawak ng anumang posisyon sa loob ng 10 taon dahil sa
paglusaw niya sa Kongreso noong 2019.
Patuloy ang
political turmoil sa Peru, na nagkaroon na ng anim na presidente mula 2018
dahil sa sunod-sunod na impeachment at resignation na kadalasang may kinalaman
sa korapsyon.
Napag-alaman
na tatlo pang dating pangulo—Alejandro Toledo, Ollanta Humala, at Pedro
Castillo—ang kasalukuyan ding nakakulong dahil sa iba’t ibang kaso.
0 Comments