Naniniwala ka
bang nakakaranas din ng sakit at lungkot ang mga hayop?
Isang viral
na video ang nagpatunay na may damdamin din ang mga aso.
Makikita sa
video si Tyler, isang aso na half Aspin at half Corgi, na tila dumadamba sa
kaniyang best friend na si Marshall, na pumanaw na.
Sa caption ng
post, nakasaad, “Kung pwede ka lang talaga mabuhay ulit bespren ko.”
Mas lalong
nakakaantig ang pagtatagpo ng dalawang aso dahil pilit pa rin ni Tyler na
gisingin si Marshall. Sinubukan pa niyang gawin ang CPR (Cardiopulmonary
Resuscitation) sa kanyang kaibigan, ngunit negatibo ang resulta.
Napaiyak ang
may-ari sa nasaksihan.
“Doon ko
naramdaman na talagang may pakiramdam ang mga aso katulad lang din ng tao.
Napakasakit ng mawala ang pinakamamahal naming aso,” anito.
Nakita pa
umano ng may-ari na tila lumuluha si Tyler habang inililibing ang kanyang best
friend.
Dahil sa
karanasang ito, nagbigay ng mensahe ang may-ari sa lahat ng mga nag-aalaga ng
aso.
“Sa mga
kapuwa ko may alagang aso, yakapin ninyo sila nang mas mahigpit araw-araw.
Bigyan ninyo sila ng oras, ng lambing, at ng pagmamahal na deserve nila. Dahil
darating ang araw na ang mga tahol at halik nila ay magiging alaala na lang.”
Ang kwento
nina Tyler at Marshall ay nagpapaalala sa atin na may damdamin ang mga hayop at
karapat-dapat silang mahalin at alagaan habang buhay pa sila. 🐶💛

0 Comments