Isinugod sa ospital ang isang 13-anyos na lalaki sa New Zealand matapos malunok ang halos 100 high-power magnets na nagdulot ng matinding pananakit ng tiyan sa loob ng apat na araw.
Sa X-ray,
natuklasang nagtipon ang mga magnet sa bituka, na nagdulot ng necrosis o
pagkamatay ng tissue sa apat na bahagi ng kanyang bituka. Kinailangan siyang
operahan upang alisin ang mga magnet at sirang bahagi ng bituka.
Ayon sa ulat, nabili ng bata ang mga magnet sa online shop na Temu, na bawal na sa New Zealand mula 2013.
Nagpaabot ng
paumanhin ang Temu at nangakong magsasagawa ng internal review, ngunit hindi pa
kumpirmado kung sa kanilang platform nga nabili ang produkto.
Samantala,
patuloy na binabatikos ang Temu sa ibang bansa dahil sa umano’y pagbebenta ng
ilegal at mapanganib na produkto sa kanilang site.


0 Comments