![]()  | 
| Photo Courtesy: Arnold Delena/FB | 
Isang babae
ang nakuhanan ng video habang kinukuha ang mga pagkaing inialay sa mga puntod
sa isang sementeryo sa Bagong Silang, Caloocan, noong paggunita ng All Saints’
Day.
Sa video na
kuha ni Arnold Delena, makikita ang naturang babae na may dalang malaking
plastic bag at naglalakad sa pagitan ng mga puntod. Makikita rin siyang
pasimpleng kumukuha ng mga pagkaing nakalagay bilang alay, na para bang
namimili sa palengke.
![]()  | 
| Photo Courtesy: Arnold Delena/FB | 
Kahit puno na
ang dala nitong bag, patuloy pa rin umano siya sa pagkuha ng mga pagkain at
inumin mula sa iba’t ibang puntod.
Hindi pa
malinaw kung nakilala na ang babae, ngunit umani ng samu’t saring reaksyon mula
sa netizens ang naturang video—may mga natawa sa kakaibang eksena, habang ang
iba naman ay nagpahayag ng pagkadismaya sa kawalan ng respeto sa mga yumao.


0 Comments