Nauwi sa matinding trauma ang dapat sana’y masayang field trip ng mga grade 1 students kasama ang kanilang mga magulang matapos na magliyab ang sinasakyan nilang tourist bus sa NLEX Northbound Lane, Barangay Patubig, Marilao, Bulacan, nitong Miyerkules ng gabi, October 1, 2025.
Batay sa
ulat, papauwi na ang grupo mula sa isang amusement park sa Pasay City nang
bigla na lamang mapansin ng ilang magulang ang makapal na usok na lumalabas sa
loob at labas ng bus.
Agad na nagsitakbuhan palabas ang mga pasahero nang huminto ang sasakyan upang mailigtas ang mga bata.
Mahigit 40
katao ang lulan ng bus na ilang beses pang sumabog bago tuluyang lamunin ng
apoy.
Mabilis na
rumesponde ang Marilao Fire Station at agad ding naapula ang sunog.
Wala namang
naiulat na nasaktan, ngunit ilang pasahero ang dinala sa ospital matapos
mahirapan sa paghinga dahil sa usok.
Patuloy ang
imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa sanhi ng sunog, habang
nakikipag-ugnayan na ang eskwelahan sa bus company kaugnay ng insidente.
0 Comments