Patay ang
27-anyos na acrobat na si Marina Barcelo matapos mahulog sa gitna ng kaniyang
performance sa isang "Circus Paul Busch" sa Bautzen, Germany.
Ayon sa ulat,
nahulog si Barcelo mula sa trapeze swing na nakasabit sa taas na limang metro
sa ilalim ng circus dome.
Personal
naman itong nasaksihan ng mahigit 80 katao kabilang na ang mga bata.
Agad na nagtangkang sumaklolo ang mga manonood ngunit hindi na naisalba ang buhay ng acrobat. Kinumpirma ng mga awtoridad na hindi siya gumamit ng safety rope habang nagtatanghal.
Pahayag naman
ni Ralf Huppertz, CEO ng Association of German Circus Companies, posibleng
nakaramdam ng pagkahilo si Barcelo sa kasagsagan ng kaniyang performance.
"It's
unusual for a well-trained artist like Marina to not survive a fall from just
five meters," ani Huppertz, na nagsabing maaaring may iniinda rin itong
karamdaman.
Sa ngayon ay
patuloy ang imbestigasyon at pansamantalang isinara ang naturang circus.
0 Comments