2-ANYOS, NAMATAY SA GITNA NG DENTAL PROCEDURE SA ENGLAND; CLINIC, HINDI LISENSYADO


Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang pagkasawi ng isang 2-anyos na bata matapos bumigay ang kaniyang baga habang sumasailalim sa dental procedure na may anesthesia.

Ayon sa ulat, isinailalim ang bata sa cavity surgery sa Valleygate Dental Surgery Center sa Greensboro.

Paliwanag ng ama, malusog at walang iniindang sakit ang kanilang anak bago ang operasyon.

Subalit, laking gulat ng mga magulang nang biglang isinugod ito sa ospital, nang hindi agad ipinaliwanag ang dahilan. Sa huli, binawian ng buhay ang bata, dahilan upang manawagan ng hustisya at kasagutan ang mga magulang.
Samantala, ipinahayag ng North Carolina Dental Board na ang Valleygate Dental Surgery Center ay hindi lisensyado o accredited ng ahensya, kahit pa mga professional doctors ang nagsasagawa ng operasyon sa nasabing pasilidad.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog