Nauwi sa
pisikalan ang pagbanggaan ng isang pickup na sasakyan at ang Public Utility Bus
(PUB) sa Silang, Cavite.
Makikita sa
video ang pambubogbog ng pickup driver sa matandang driver ng pampasaherong bus.
Dahil sa
nangyari, agad na ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng Toyota
Hilux na minamaneho ni Arny Jose Montes upang magpaliwanag.
Pinatawan din
ng 90-araw na suspensyon ang lisensya ng naturang driver dahil sa pambubogbog
nito sa bus driver.
Samantala, iginiit
ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na walang puwang sa kalsada
ang mga abusadong driver.
“Hindi tayo
hihinto sa pagsuspinde ng lisensya ng mga driver na sangkot sa road rage. Lalo
na sa insidenteng ito, kitang-kita sa video kung paano nya sinaktan ‘yung
matandang driver. Hindi natin palalampasin ang ganyang mga maling asal,” ayon
sa acting transport chief.
0 Comments