Binawian ng
buhay ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nasa
loob mismo ng kanilang bahay sa Hacienda Consolacion Limhap, Barangay Granada,
Bacolod City, Negros Occidental, nitong Miyerkules, October 15, 2025.
Ayon sa ulat,
nakahiga umano ang bata at nakayakap sa kanyang ina nang biglang tumama ang
kidlat. Sinasabing dumaan ang kidlat sa siwang ng kanilang dingding na gawa sa
kawayan.
Dahil sa
insidente, tinamaan ang bata sa may dibdib, nasunog ang likurang bahagi ng
kanyang buhok, at pati ang suot niyang short pants ay nadamay.
Nabatid pa na
hindi ito ang unang beses na may tinamaan ng kidlat sa naturang lugar. Ayon sa
mga residente, maging ang lolo ng nasawing bata ay naging biktima rin ng
ganitong insidente noon.
Dahil dito,
plano ng kapitan ng barangay na kumonsulta sa mga eksperto upang alamin kung
may elemento o bagay sa lugar na umaakit sa kidlat at makagawa ng mga hakbang
para maiwasan ang pag-ulit ng ganitong trahedya.
0 Comments