Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Solidum na napalilibutan ng mga trenches at fault lines ang Pilipinas kaya madalas makaranas ng mga pagyanig na naitatala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Aniya, ang kamakailang lindol sa Bogo, Cebu at Davao Oriental ay mula sa magkaibang sources at hindi magkaugnay.
“Hindi po sila magkaugnay. Itong sa Bogo, itong pagkilos sa Bogo Bay Fault… napakalayo na doon sa Philippine Trench,” paliwanag ni Solidum.
Pinabulaanan din ng kalihim ang mga kumakalat na impormasyon online na iniuugnay ang mga pagyanig sa Manila Trench o West Valley Fault.
Bagama’t karamihan sa mga pagyanig ay hindi nakapipinsala, pinaalalahanan ng DOST ang publiko na manatiling alerto at handa sa harap ng mga sakuna.
0 Comments