GURO SA SOUTH COTABATO, TIKLO SA ONLINE EXPLOITATION NG MGA MENOR DE EDAD

 


Sinampahan ng kasong kriminal ang isang lisensyadong guro sa South Cotabato dahil sa umano’y pagbebenta ng mga malalaswang larawan ng mga menor de edad sa mga dayuhan.

Ayon sa ulat, ang 25-anyos na suspek ay may teacher’s license ngunit kasalukuyang hindi nagtuturo. Sa halip, nagmamay-ari umano ito ng isang maliit na internet café at nagbebenta ng mga meryenda sa mga estudyante.
Lumalabas sa imbestigasyon na kinukuhanan umano ng suspek ng mga larawan ang mga bata kapalit ng halagang P50 hanggang P60. Inutusan pa raw nitong mag-pose ng nakakaakit o maghubad ang mga biktima, at pagkatapos ay ibinebenta ang mga larawan sa mga dayuhan sa pamamagitan ng isang social media platform. Tatlo sa mga biktima ay mga kabitbahay ng suspek, habang ang isa ay sariling kapatid nito. Agad namang inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bahay nito sa bayan ng Banga, South Cotabato, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa National Center for Missing and Exploited Children.
Samantala, isinailalim sa psychological assessment ang mga biktima upang matukoy ang lawak ng epekto ng naturang pang-aabuso.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog