Nakatakdang
ipapamahagi sa mga guro ng pampublikong paaralan sa syudad ng Maynila ang
porsyon ng P160-million mula sa nakolektang buwis ng flood control projects.
Ayon kay
Manila Mayor Isko Moreno, P25-milyon ang ibibigay sa halos P11,000 na mga guro
at non-teaching staff sa ilalim ng Schools Division Office of Manila. Habang, P58-milyon
naman ang ibabayad sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Aniya,
makakatulong ang naturang pondo upang mapunan ang pangangailangan ng mga guro mula
noong buwan ng Abril.
Samantala,
sisimulan na ngayong araw, October 7, 2025, ang pag-arangkada ng payout sa mga guro
sa lungsod.
0 Comments