Matapang na
hinarap ng isang 70-anyos na obispo ang mabato at binabahang daan sa Palawan
upang makarating sa Culion Island para sa kaniyang pastoral visit.
Ayon kay
Apostolic Vicar Broderick Pabillo ng Taytay, Palawan, mahalaga ang presensya ng
isang obispo upang mapatatag ang pananampalataya ng mga Pilipino, lalo na yaong
mga nasa malalayong komunidad.
Sa kanilang
paglalakbay, napasabak sila sa lakaran dahil sa pagbaha ng ilang daanan patungo
sa lugar.
Pagdating
nila sa Culion, masayang sinalubong ng mga residente ang kanilang obispo.
Ibinahagi rin
ni Pabillo na kadalasan, ang pastoral visit ng obispo ay isinasagawa lamang sa
mga parokya, habang ang mga pari naman ang bumibisita sa mga chapel na sakop ng
mga ito.
Gayunpaman,
layunin umano ni Pabillo na mapuntahan ang lahat ng mga chapel sa ilalim ng
Apostolic Vicariate of Taytay kahit isang beses kada dalawang taon.
0 Comments