36-ANYOS NA NANAY SA UK, MUNTIKAN NG MAMATAY AT MAPARALISA DAHIL SA PAGHIKAB

 



Nakakamatay din pala ang paghikab?

Isang 36-anyos na babae sa United Kingdom ang muntikan nang mamatay matapos itong mabalian ng leeg dahil sa lakas ng pagkakahikab nito.

Ayon sa ulat, bagong gising si Hayley Black at nasa gitna ng paghahanda ng gatas para sa sanggol nito nang mapahikab siya ng malakas matapos makita ang paghikab ng anak.

Ngunit, nagulat si Black nang makaramdam siya ng “electric shock sensation” sa buong katawan at ang braso nito ay na-stuck sa ere.

Agad naman siyang dinala sa ospital sanhi ng nararamdamang labis na sakit.

Hindi naman agad naniwala sa kaniya ang mga doktor dahil walang lumabas na anomalya sa scan nito.

Makalipas ang ilang oras, napansin na ang C6 at C7 na buto sa leeg ni Black ay pumasok sa spine dahil sa malakas nitong paghikab.

Binalaan naman siya at maging ang pamilya nito na 50/50 ang kaniyang survival at may posibilidad na hindi na ito makakalakad pa.

Isinailalim si Black sa emergency discectomy at fusion, at maswerteng nakaligtas ngunit nag-iwan ito ng permanenteng nerve damage kung saan hindi na ito muling makakapagtrabaho.

Halos anim na buwang naka-wheelchair si Black at unti-unting sinusubukang maglakad.



Sa kabila nito ay nakakaramdam pa din siya ng matinding sakit lalo na kung nakakalimutan nitong uminom ng gamot.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog