Nilinaw ng
Department of Health (DOH) na hindi sakop sa “Zero Balance Billing” ang medical
services ng mga pasyenteng lumabag sa trapiko.
Ayon kay Health
Secretary Ted Herbosa, diskwalipikado na sa “Zero Balance Billing” ng DOH kapag
ang pasyente ay na-admit dahil sa hindi ito nakapagsuot ng helmet, seatbelt o
dahil sa ito’y nakainom ng nakakalasing na inumin.
Gayunpaman,
sinabi ni Health Spokesperson Albert Domingo na ang “Zero Balance Billing” ay
para sa lahat ngunit hindi pa ipinapatupad ang serbisyong nararapat sa mga
pasyenteng na-admit dahil sa paglabag sa batas-trapiko.
Sa halip,
iminungkahi ni Domingo ang pag-adopt ng sistema na ginagawa sa ilang bansa sa
western, tulad ng pagpapataw ng mas mataas na insurance premiums sa mga
lumalabag sa batas-trapiko.
Ipinaliwanag
pa ni Domingo na sa pamamagitan nito ay maaaring magsilbi itong deterrent o
panakot upang mabawasan ang paglabag ng mga motorista.
Makakatulong
din aniya ang ganitong polisiya hindi lamang para disiplinahin ang mga motorista
kundi para bawasan ang insidente ng aksidente sa kalsada, na nagdudulot ng
pinsala at pagkawala ng buhay taon-taon.
0 Comments