Mariing
itinanggi ni dating Senador Bong Revilla ang alegasyon na nakatanggap siya ng
kickbacks mula sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno.
Ito’y matapos
idawit ang kaniyang pangalan ni dating Department of Public Works and Highways
(DPWH) district engineer Henry Alcantara sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon
Committee nitong Martes, Setyembre 23.
Ayon sa
testimonya ni Alcantara, kabilang si Revilla sa mga mambabatas na nakinabang sa
umano’y multibillion-peso flood control racket.
Samantala,
kumakalat din sa social media ang litrato nina Revilla at Alcantara kasama si
dating DPWH Bulacan 1st District Assistant District Engineer Brice Hernandez,
kuha noong 2023 sa isang inspeksyon ng flood control projects sa Paombong at
Hagonoy, Bulacan.
0 Comments