RESIBO CHECK MUNA BAGO SWIPE!

 


Nag-viral sa social media ang reklamo ng isang netizen matapos umano siyang maloko sa isang shop.

Ayon sa kanya, iba ang presyo at item na nakalagay sa resibo kumpara sa aktuwal na binili, dahilan para mas mahal ang kanyang nabayaran.


Nang bumalik siya sa tindahan, natuklasan na may idinagdag na hindi naman kasama sa binili.

Bagama’t na-refund ang pera, hindi umano humingi ng paumanhin ang cashier.


Pinaghihinalaan ng netizen na modus ito at nagpaalala sa publiko na laging suriin ang resibo bago magbayad.

Maraming netizen ang sumang-ayon at nagkomento:

“Buti na-share mo ito para matigil ang kalokohan nila.”

“Marami na talagang manloloko ngayon kaya ingat-ingat.”

“Buti wala akong motor, baka nadale na rin ako.”

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog