Nagbabala sa
publiko ang isang pastor na nahuhumaling sa mga ukay-ukay na gamit na baka ito
ay may dala-dalang demonyo.
Sa post ni Anna
Grace Revalde – Padillo, ibinahagi nito ang mga karanasan kung saan tatlong
beses itong nakaranas ng malagim na pangyayari kaugnay ng mga ukay-ukay.
Si Grace ay
nagpakilala bilang pastor at negosyante ng ukay-ukay.
Sinabi ni
Grace sa kaniyang post na ipagdasal muna ang kanilang isinusuot na ukay-ukay
bago gamitin.
Ito’y kasunod
ng naranasan nitong sleep paralysis ng ilang beses matapos na nakalimutan
nitong ipagdasal ang unang bundle ng ukay na kaniyang ibinenta.
Hindi lang
isang beses ito nangyari kundi tatlo.
Kung kaya’t
nabahala ito at ipinaliwanag ng pastor na wala itong ideya kung saan o kanino
nanggaling ang mga ukay-ukay na kanilang binili.
Wala din
aniyang katiyakan na baka ang naturang mga gamit ay ginamit sa mga ritwal para
sa demonyo o taong may relasyon sa demonyo ang dating may suot ng ukay na damit
na kanilang tinutukoy.
0 Comments