Nakakalungkot
na trahedya ang sinapit ng isang mag-anak sa Davao City matapos na mamatay ang
bagong panganak at muling nabuhay hanggang sa tuluyan na itong binawian ng
buhay.
Sa report,
isang pambihirang sakit ang naranasan ng isang newborn baby magmula nang ito’y
isinilang noong Agosto 23, 2025.
Ipinanganak na
premature ang sanggol sa isang pribadong ospital at tsaka inilipat sa Southern
Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City.
Ngunit,
idineklara itong patay dahilan na iniuwi ang bangkay ng bata na nakabalot at
nakalagay sa loob ng isang cardboard box.
Pagdating sa
kanilang bahay, nadiskubre ng pamilya na humihinga pa ang bata nang buksan ang
box.
Sa naturang
pangyayari, nakaramdam ng tuwa at pag-asa ang pamilya kaya naman isinugod nila
ito pabalik sa SPMC. Agad na inilagay ang bata sa incubator at nagtagal ng
dalawang araw bago ito tuluyang pumanaw noong Agosto 25.
Kinuwestyon
at dismayado ang pamilya sa insidente kung saan sinisi nito ang medical staff
na tila hindi nabigyan ng atensyon ang bata. Anila pa, hindi masyadong nalinisan
ang bata nang iabot sa kanila.
Ngunit, ipinaliwanag
ni SPMC Medical Center Chief Dr. Ricardo Audan ang posibleng dahilan sa
pagkamatay ng bata. Kung saan, nagkaroon ito ng “Lazarus Syndrome” na mas
kilala sa tawag na autoresuscitation matapos ang bigong cardiopulmonary
resuscitation (CPR).
Samantala,
handa namang sumagot ang ospital sa anumang paglilinaw at suporta ng pamilya.
0 Comments