Dinumog ng kaliwa’t kanang batikos si Sam Verzosa matapos mag-viral ang isang video clip kung saan ibinunyag niyang mahigit 30 ang kaniyang mga high-end cars.
Sa panayam ni Julius Babao, tinanong ang negosyante kung ilan lahat ang kanyang mga sasakyan.
“Gaano karami
ang lahat ng sasakyan mo?” tanong ni Babao.
“Lampas 30
po,” sagot ni Verzosa.
Sa nasabing video, makikitang karamihan sa mga sasakyan ay kulay puti at naka-park sa loob ng kaniyang mansion. Agad itong umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens:
“Unexplained wealth.”
“Ang alam ko din is he is the CEO of Frontrow.”
“Sila ang body body ni Tambalulus! Namimigay sila ni buwaya ng pera.”
“Magkano naman kaya tinanggap ni Babao d’yan?”
“Not judging pero 30 plus cars? Alam na yan pag ganyan.”
Si Verzosa ay
kilalang negosyante, politiko, at kasalukuyang karelasyon ng Kapuso actress na
si Rhian Ramos.
Matatandaang
naging usap-usapan din kamakailan ang isyu ng mga politikong nagmamay-ari ng
luxury cars, kasunod ng mga anomalya na nabunyag sa mga flood-control projects.
0 Comments