Natagpuang
patay ang isang TikTok star at influencer kasama ang asawa at kanilang dalawang
anak sa isang pickup truck sa Mexico.
Nakilala ang
mga biktima na si Esmeralda Ferrer Garibay, asawa nitong si Roberto Carlos Gil
Licea at ang kanilang menor de edad na mga anak na pawang 13-anyos at 7-anyos.
Ayon sa report, tila pinatay ang buong pamilya matapos madiskubre ang mga dugo sa naturang sasakyan.
Hindi pa
malinaw kung sino ang nasa likod ng krimen kung kaya’t patuloy pa ang
imbestigasyon sa nangyari.
Lumalabas
naman sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad na posibleng nag-ugat ang
krimen sa napasukang negosyo ng biktimang si Licea kung saan bumibili at
nagbebenta ito ng mga sasakyan. Mayroon din itong taniman ng mga kamatis sa Michoacán
state.
Samantala,
ang asawa nitong si Garibay ay nakilala sa social media bilang Esmeralda FG at
mayroong mahigit 40,000 followers at millions of views na nakatuon sa travel at
lifestyle bukod sa mga lip sync videos.
0 Comments