Patay ang
driver at ang babaeng angkas nito matapos mabangga ng truck sa Cebu City nitong
Biyernes.
Sa inisyal na
imbestigasyon, parehong tinahak ng truck at ng motorsiklo ang direksyong
pa-timog nang biglang tumawid ang motorsiklo papunta sa middle lane.
Dahil sa
mabilis na takbo ng trailer truck ay bumangga ito sa motorsiklo at tumilapon ang
driver ng motor at ang angkas nito. Lalo pang napuruhan ang dalawa nang
masagasaan sila ng gulong ng naturang truck.
Ayon naman sa
mga driver sa lugar, binusinahan nila ang biktima na huwag pumagitna at dumaan
lamang sa outer lane, ngunit lumipat ito sa kaliwang bahagi ng kalsada kung
saan nabangga ito ng trailer truck.
Halos hindi
naman mamukhaan pa ang mga biktima dahil sa pag-araro sa kanila ng truck.
Napag-alaman
na ihahatid lang sana ng driver ng motor ang babaeng angkas nito sa trabaho sa
isang mall sa SRP nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon ay
nasa kustodiya ng Traffic Enforcement Unit (TEU) custodial facility ang driver
ng truck at nahaharap sa kasong kasong Reckless Imprudence Resulting in Double
Homicide at Damage to Property.
0 Comments