Nagsalita na
si Ellis Co, anak ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, kaugnay ng
kontrobersiyang kinasasangkutan ng kaniyang ama.
Sa isang
Instagram post, ipinahayag ni Ellis ang kaniyang pakikiramay sa mga Pilipino at
matinding pagkondena sa anumang anyo ng korapsyon.
"I
condemn corruption in all its forms. I understand the anger and disgust. The
hate is MORE than valid… I am only speaking out now because I needed the time
to have a firm grasp of the situation," ani Ellis.
Ibinahagi rin
niya na nito lamang umano niya nalaman ang mga alegasyon laban sa kaniyang ama.
Inilarawan niyang hindi sila naging malapit at lalong lumabo ang kanilang
relasyon nang pumasok ito sa politika.
Aminado si
Ellis na nahihiya siya sa sitwasyon at nananawagan na mailabas ang katotohanan.
Hinikayat din niya ang kaniyang ama na humarap sa publiko at sagutin ang mga
akusasyon.
"I am
not just speaking out against a politician; I am speaking out against my
father. And if this decision gets me disowned, I would rather face that
consequence than watch millions of people suffer from his actions," dagdag
pa niya.
Matatandaang
nahaharap si Rep. Zaldy Co sa mga akusasyon ng pagtanggap ng milyon-milyong
kickback mula sa umano’y “ghost” at substandard projects, kabilang na ang mga
iregularidad sa national budget.
0 Comments