BSP, TULUYANG SINIBAK ANG 2 SUPERVISORS NA SANGKOT SA 'GHOST EMPLOYEE' SCANDAL

 


Pormal nang sinibak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pwesto ang dalawang supervisors na napatunayang sangkot sa pamemeke ng attendance records ng apat na mga empleyado.

Ayon sa desisyong aprubado ng policy-setting MB, nakatanggap ng maximum administrative na mga penalidad ang naturang mga supervisors. Kung saan, kabilang sa mga penalidad ang pagpapatalsik sa kanila sa serbisyo, forfeiture ng retirement benefits, pagkansela ng civil service eligibility, perpetual disqualification mula sa public office, at habangbuhay na pagba-ban sa pagkuha ng civil service exams.

Nag-ugat ang kontrobersya noong 2024 nang madiskubre ang apat na staff ng BSP na pinepeke ang kanilang attendance records.

Agad naman silang sinibak noong Hulyo 2024 at na-disqualify mula sa public office, pati na ang kanilang retirement benefits ay na-forfeit.

Sa kabila nito, siniguro ng BSP na ang nangyaring insidente ang magsisilbing pukaw sa mga empleyado na palakasin ang kanilang pamamahala gayundin ang tiwala ng publiko.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog