“ISANG LATA NG CORNED BEEF, KULONG AGAD. ISANG BILYON, NAKANGITI PA AT KUMAKAIN SA MAMAHALING RESTAURANT”
Sa report, nahuli ng mga security guards ang suspek na may tinangay na isang lata ng corned beef na nakatago sa underwear nito at nagtangkang lumabas ng supermarket nang hindi ito binabayaran.
Napag-alaman na nagkakahalaga lamang sa P189 ang halaga ng corned beef na sinubukang tangayin ng suspek.
Sa kabila nito, mabilis itong inulan ng iba’t ibang komento sa social media kung saan ang tinutumbok nito ay ang pagkakaiba ng turing sa pagitan ng mahirap at mayamang magnanakaw.
“P189 pesos kulong agad, pero P189 bilyon Senate o Congress hearing lang. Puro imbestiga, walang nakakulong,” komento ng isang netizen.
Habang, may ilan namang nagpaabot ng kanilang simpatya sa suspek.
“Kawawa naman, baka gusto lang niyang ipaulam sa anak niya."
Mas lalo pang pinag-usapan ang naturang report dahil sa nag-viral na komento ng isang user.
“Nagnakaw ng corned beef, kulong. Nagnakaw ng pondo ng bayan, may bodyguard pa at VIP treatment. Nasaan ang hustisya?”
“Nakakabaliw na sa Pilipinas. Ang maliliit na magnanakaw, diretso preso. Ang malalaki, may abogado agad," dagdag pa ng isang user.
0 Comments