DANIEL PADILLA AT KAILA ESTRADA, MAG-JOWA NA - OGIE DIAZ


 

Ibinunyag ni showbiz insider Ogie Diaz na mayroon ng karelasyon ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla matapos mag-trend ang kanilang hiwalayan ni Kathryn Bernardo.

Ayon kay Diaz, ang bago umanong karelasyon ni Daniel ay si Kaila Estrada, ang co-star ng aktor sa Philippine action drama tv series na “Incognito”.

“Ito na. May bago nang magjowa. May jowa na si Daniel Padilla. May nagsabi na sa akin. Depende na sa kanila kung aamin nila o ide-deny nila. Daniel Padilla and Kaila Estrada,” pagsisiwalat ni Ogie. 

Inamin ni Ogie na maging siya ay nagulat sa nalamang rebelasyon ngunit nakadepende pa rin kina Daniel at Kaila kung aaminin o itatanggi nila ang tsismis sa kanilang relasyon.

Kaugnay nito, mayroon pang nakakita sa dalawa na magkasama at tila nagkakamabutihan dahilan na baka nga sila ay may relasyon.

“Spotted sila, hindi ko lang alam kung saan ‘yan, ano? Ilan sa patotoo na sila ay nagkakamabutihan. At saka Diyos ko naman, wala naman silang sinagasaan o tinapakan. Parehas naman silang single,” saad ni Ogie. 

Nilinaw pa ni Ogie na wala namang masama kung nagkakamabutihan ang dalawa lalo na’t pareho naman silang walang karelasyon.

Nabatid na maraming fans ang nagulantang sa opisyal na paghihiwalay nina Kathryn at Daniel matapos ang halos 11 na taong pagsasama.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog