DATING NPA MEMBER PATAY, DALAGITA SUGATAN SA PAMAMARIL SA NEGROS OCCIDENTAL


Patay ang isang 27-anyos na dating miyembro ng New People’s Army habang sugatan naman ang isang 19-anyos na babae matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Sitio Sinuwayan, Barangay Camalandaan, Cauayan, Negros Occidental nitong Lunes.

 

Base sa imbestigasyon, dumalo umano ang biktimang lalaki sa isang birthday celebration at nakipag-inuman. Dahil sa kalasingan, nagpasya siyang makitulog sa bahay ng may selebrasyon.

 

Ilang sandali ang lumipas, dumating ang mga suspek at tinawag palabas ang biktima. Paglabas niya ng bahay, agad siyang pinaputukan ng mga salarin gamit ang mahahabang armas. Nagtamo siya ng mga tama ng bala na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

 

Nadamay naman sa insidente ang isang babaeng dalagita na tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso at agad na dinala sa pagamutan.

 

Sa crime scene, narekober ng pulisya ang limang basyo ng bala ng 5.56mm at isang basyo ng 7.62mm.

 

Napag-alaman din na ang biktima ay bagong laya matapos makapagpiyansa sa kasong motornapping. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog