Usap-usapan ngayon ang gustong pakikipaghiwalay ng aktres na si Julia Baretto sa karelasyon nitong si Gerald Anderson ngunit ang aktor ay tila ayaw pa.
Ayon sa
showbiz insider na si Ogie Diaz, isang unknown source ang nagbahagi sa kaniya
ukol sa estado ng relasyon ng dalawa.
Kung saan,
tila gusto nang bumitaw ni Julia ngunit ang karelasyon nitong aktor na si Gerald
ay ayaw pa.
“Hindi sa
wala na sila, ang sinabi sa akin ay ayaw na ni Julia. Kung baga ayaw na ni
Julia sa relasyon pero kay Gerald meron pa, si Julia ayaw na,” anito.
Napansin din
ni Ogie na hindi na nagkikita ang dalawa.
“’Tingnan mo,
hindi na sila nagkikita,’” saad ni Ogie. “But Gerald is trying to pursue Julia.
Pumupunta raw si Gerald… doon sa bahay ni Julia, pero parang ayaw nang makita
ni Julia si Gerald.”
Napatanong
naman ang co-host sa vlog ni Ogie na si Ate Mrena kung mayroon bang third party
na sangkot. Ngunit, idiniin ni Ogie na dapat itong linawin ni Gerald lalo na’t
iniuugnay ito sa isang volleyball star na si Vanie Gandler.
“’Di ba lagi
kong sinasabi rito na si Gerald ang dapat magsabi niyan kung hanggang ngayon ay
totoo ‘yung Vanie Gandler o hindi talaga,” paliwanag ni Ogie.
0 Comments