18-ANYOS PATAY, 7 SUGATAN SA MASS STABBING SA CANADA; SUSPEK PATAY MATAPOS SUMALPOK SA POLICE VEHICLE


Patay ang isang 18-anyos na dalagita habang pito pa ang sugatan sa insidente ng mass stabbing sa isang komunidad ng mga katutubo sa Canada.

Ayon sa ulat, isa sa mga kaanak ng biktima ang nagising sa kalagitnaan ng gabi at biglang sinaksak ng suspek. Nadiskubreng kapatid mismo ng suspek ang nasawing dalagita, habang dati na rin itong kilala ng pulisya.

Bagama’t hindi pa malinaw ang motibo, sinabi ng mga awtoridad na magkakakilala ang lahat ng biktima sa naturang komunidad.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang 26-anyos na suspek gamit ang tinangay na sasakyan, ngunit kalaunan ay sumalpok ito sa isang police vehicle.

Idineklarang patay ang suspek, habang ang babaeng pulis na sangkot sa banggaan ay nasa kritikal ngunit ligtas na at patuloy na nagpapagaling.

Samantala, patuloy ang paglilibot ng mga awtoridad sa bawat bahay sa lugar upang masiguro na ligtas ang komunidad at matiyak na wala nang iba pang biktima.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog