![]() |
Photo Courtesy: Screengrabbed from heybibled via Reddit |
Ininsulto ng isang dayuhang babae ang mga cashier at mga Pilipino sa loob ng isang convenience store sa Knightsbridge Residences sa Makati nitong Linggo, September 14.
Ayon sa nag-post sa isang social media site, bibili lang sana ito ng payong sa naturang convenience store nang bigla na lang umeksena ang isang foreigner na babae at nagbitaw ng mga pang-iinsultong salita sa lahat ng mga Pilipinong naroon.
“I was just minding my own business and trying to buy an umbrella when suddenly this inhumane barbaric arrogant white lady just started insulting everyone,” mababasa sa caption ng video.
Sinasabing nag-ugat ang tila panunuya ng foreigner matapos itong tanggihan na bigyan ng ilang packs ng sigarilyo.
Tinawag pa umano ng foreigner ang mga Pilipino na “ugly” at “slaves”.
Maririnig din sa video ang sinabi nitong, “I’m gonna insult anyone I want as much as I want for all the insult that I receive from all of you.”
Umani naman ito ng kaliwa’t kanang reaksyon mula sa netizens kung saan marami ang hindi natuwa sa inasal ng nasabing foreigner sa mga cashier.
“kapal niya dito magkalat sa pinas. Dapat sa mga ganyan minsan talaga pinapatulan e,” komento ng isang user.
“This should not be tolerated. Not in our own country,” dagdag pa ng isang user.
“NEVER allow foreigners to belittle us or do anything against us Filipinos esp in our own country.
Ginulpi dapat yan para world will know na hindi sila pwede gumanyan sa P
ilipinas,” saad ng isa pa.
0 Comments