Binatikos ng mga netizen ang isang guro mula sa Tuguegarao City, Cagayan matapos itong mag-post ng social media content na kuha sa loob ng classroom na itinuturing ng ilan na hindi angkop para sa mga estudyante.
Sa video,
makikitang tinanong ng guro ang kanyang mga estudyante: “Pagising ninyo sa
umaga, ano ang unang hinahawakan ninyo?” Sumagot ang ilan ng “cellphone,”
“kumot,” “unan,” at “TV remote.”
Ngunit
tinuran ng guro na “iba naman” at pabirong sinabi na ang unang hinahawakan ay
ang ulo, sabay dagdag na, “kasi nga, magmumura-mura ka tas nag-aayos ng hair.”
Ang naturang
video ay umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens. May ilan na natawa,
ngunit marami ang nagsabing hindi akma ang biro lalo na’t nasa classroom at
kasama ang mga menor de edad. May mga netizen ding nagpuna na ipinakita ng guro
ang mukha ng mga estudyante, na ayon sa Department of Education (DepEd) ay
ipinagbabawal para sa proteksyon ng mga bata.
“I am okay
with a few jokes from time to time, but there are some jokes that should be
left outside of the classroom. She’s talking to minors. Ganito na ba talaga
ngayon? Wala na bang off na topic sa classroom?” ani ng isang netizen.
0 Comments