DOKTOR SA MANCHESTER, INIWAN ANG PASYENTE SA GITNA NG OPERASYON PARA MAKIPAG - "COMFORT BREAK"

 


Nahuli sa akto ang isang doktor at nurse sa isang “awkward” na posisyon sa isang ospital sa Manchester.

Kinilala ang doktor na si Dr. Suhail Anjum, 44-anyos, isang anesthesiologist sa nasabing ospital.

Ayon sa mga reports, sumasailalim sa gall bladder removal surgery ang isang pasyente nang bigla umanong nag-walk out si Anjum sa gitna ng operasyon.

Umabot ng halos walong minuto bago siya bumalik sa operating room at tinapos ang kaniyang trabaho.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nakipag-ugnayan si Anjum sa isang hindi pa nakikilalang nurse at gumagawa ng sekswal na aktibidad. Inilarawan niya ito bilang isang “comfort break”.

Hindi naman itinanggi ni Anjum ang mga akusasyon at mga ebidensyang ipinukol laban sa kaniya.

Inamin nito ang ginawa at ibinahagi na may personal itong pinagdadaanan kaya niya nagawa iyon.

Samantala, nakatalagang humarap sa pagdinig sa Biyernes ang doktor  upang pagdesisyunan kung maaari pa itong magpatuloy sa kaniyang propesyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog